Saturday, March 10, 2012

English vs Filipino

Kung babasahin ang mga sinaunang posts ko, in Filipino ang mga ito.  Pero nung ni-revive ko siya, naging English ang mga posts.  Bakit? Napagmunimunihan ko ito dahil wala naman akong ginagawa.  Ayun… kasi wala nga akong ginagawa dahil out-of-work ako.  Strict bedrest since October 2011.  

Digress muna...
nagresign ako ng September 2011 dahil bibi and I decided that is for the best para magka-baby kami and we can carry the baby to term.  Maraming factors involved at matindi ang physical, emotional and financial investment to make our ultimate family dream come true.  At kung pedeng magbawas ng controllable stress, why not?  At least we tried our very best tsaka wala kaming pagsisihan.  

Kaya eto, 6 months na on the way pero ingat ingat pa rin dahil sa mga scary moments ko.  Eka, ano’ng kinalaman nun sa English posts?  Kasi  sa workplace, English ang primary language ng correspondences.  Eh nami-miss ko siguro kaya subconsciously,  napapa-English ako pag nagsusulat ako.  E bakit dati? Kasi nagtratrabaho pa ako nun ng sinimulan ko yung blog at talagang outlet ko siya. English sa work, anything goes sa blog para masaya. Lunchtime nga ako nun kung mag-blog.  Natigil lang dahil inalisan kami ng access sa office at ala naman akong internet sa haws.  Bakit ngayon, in Fiipino, actually, Taglish ‘tong post na ito? Kasi dahil sa pagmumuni-muni ko, naisip ko, ‘di ako dapat ma-pressure na gawing English lahat ng posts ko.  Kung ano’ng feel ko, go! Tutal blog ko naman ito. Hehe.  Lastly, bakit para akong defensive?  Di naman, nagpapaliwanag lang para in the future, at dependent na ko sa memo plus gold, pag binalikan ko ito, maalala ko ang alamat ng transition in language sa blog ko.  Yun lang :)

No comments:

Post a Comment