Saturday, March 10, 2012

Behind the Tables' Names

Sa aking pagcle-clean up ng mga external storage devices namin pati laptop, nakita ko itong script na binasa ng emcee namin habang tinatawag ang bawat table for the picture taking nung trip down the aisle namin.  Aside from the table numbers, may pangalan ang mga tables, named after trivia items about us.  Nakakaaliw sariwain ang nakaraan…

Table
Table Name
Table Description

1
Humanities II
kauna-unahan at kaisa-isang subject na naging magkaklase sila sa UP; kung saan nagsimula ang lahat
Year 1995, Second Year, First sem, naging mag-kaklase sina Edwin, isang Math major at Liana, isang accounting major sa required general subject na Humanities II.  Although  first year pa lang ay magkakilala na sila dahil sa common friend nila na si Leah, dito sa subject na ito nagsimula ang lahat.
2

Sheila & Jophel
mga propects nila na naging tulay nila
Sina Shiela at Jophel – yan ang malimit nilang pag-usapan noon - kung paano popormahan ni Edwin si Shiela at si Liana naman kay Jophel.  At the end of the sem, nawala ang tama nila kina Shiela at Jophel, at nalipat sa isa’t-isa.
3

Wordstar
tactic ni Liana (sabi ni Edwin); tactic ni Edwin (sabi ni Liana)
Lalong nagkalapit ang dalawa dahil hindi marunong gumamit ng wordstar si Liana (mabuti na lang daw sabi ni Edwin at Liana).  Dahil sa isang research paper na kinailangang gamitan ng wordstar, naging inseparable ang dalawa.
4
Jabee - Philcoa
first and last date before naging sila
Pagkatapos ng isang wordstar session, dumiretso sina Edwin at Liana sa Jabee – Philcoa.  Hindi nila akalain, yun na pala ang first and last date nila bago maging sila.
5

Tandang Sora
Ang “sagutan”
Dito naganap ang makasysayang sagutan nina Edwin at Liana, na naging simula ng isang makulay at masayang pagsasama.
6
The Lagoon
Official/Favorite dating place sa UP-Diliman
Mahilig kasi mag-picnic ang dalawang ito at makipag-usap sa mga bibe doon.
7
Natio – EsEm North
Official tagpuan nuong UP days
Dito sila nagkikita pag magde-date para me babasahin si Liana pag na-late si Edwin.
8
If It’s not me…
‘if it’s not me,  then I’ll keep trying’ – most memorable line in all the sorry letters written
by Edwin
Hango mula sa pelikulang ‘PHENOMENON’ ni john Travolta. Since hindi naman si Edwin ang ayaw ni Liana, walang dahilan para sumuko si Edwin.
9
Usher vs Eheads
Clash of favorite music artists
Hiphop, r&B gangsta kasi minsan si Edwin. Si Liana naman e medyo taga-banda roon.
10
3 peach roses
First flowers given by Edwin
Sa wakas, nagbigay din si Edwin ng roses ke Liana. Talagang pinakaalagaan ni Liana ang naka-box na mga roses na ito.
11
Sashimi
Favorite japanese food
They can’t get enough of this. Lugi ang mga all-you-can-eat sa kanila.
12
Tagaytay
First out of town destination
Pangarap nilang dalawa na makapamasyal sa labas ng metro manila na silang dalawa lang. Di man talaga sariling lakad, nakapag-spend naman sila ng pasyal time na sila lang.
13
Kuting at Bibi
Pseudonyms nila sa blogsite
Hulaan nyo na lang kung sino si kuting at sino si bibi. At tsaka kung bakit.
14
Pawerbuks - Wokwey
Official tagpuan pag nasa Makati
Dito sila nagkikita para me mabasa si Edwin kung male-late si Liana.
15
Gbelt3 Cinema 1 & 2
Official cinema
Bihira lang naman sila manood kaya pag nanood sila ng sine, dapat yung medyo bongga.

No comments:

Post a Comment