Pagmulat ng mata, bandang ala-singko ng umaga
Nang may maramdaman sa tiyan na kakaiba
"Hangin ba ito?" una kong naisip
Pero dahil paulit-ulit, aking napagtanto...
Mga unang sikad mo pala ang aking nararamdaman
Di magkamayaw ang aking kagalakan
Ang tulog mong tatay ay nagising din
Dahil sa malakas kong pagbahing
At sa kanyang kamay iyong ibinigay
Isang sipang malakas, puno ng buhay.
---Munimuni ng isang baguhang ina (Enero 19, 2012)
No comments:
Post a Comment