Tuesday, May 08, 2012

What to Expect

In 2007, I resigned from my very demanding job and transferred to what I thought would be a manageable one while still doing what I love (plus better compensation!). Di naman ako nagkamali. At super bait pa ng boss ko! We both came from the same auditing firm and I know her by reputation – masungit at terror daw. But when we met for the interview, di ko ma-sense yung sungit. My impression was strict siya and straight to the point. Ok naman sa akin yun kasi ayaw ko ng emotional boss. It turned out, strict when it comes to work, kaaliw pag outside work. Alam niya at the start na I wanted to have a baby and she was very supportive of it. 

In 2008, out of the blue – wala namang okasyon, binigyan niya ako ng book – What to Expect When You’re Expecting. Tuwang-tuwa ako kasi naririnig ko lang yung book na yun. Sabi niya, mahirap daw kasing makakakita nun kaya nung may nakita siya, binili niya agad for me. Sweet di ba? It took me almost 4 years bago ko talaga siya basahin ng page by page dahil hinintay ko muna si buting. Very informative talaga and helpful ang book. 

Kaya nung nakita ko naman online ang What to Expect – the First Year, ay, parang gusto kong bilhin! Yun lang, di ako nakakalabas to look for the book. In terms of budget, dulong-dulo siya ng listahan. Buti na lang, I have a good friend, now based in Canada with her family, who is very generous. Pinakuha niya sa amin from her nanay yung ginamit ng baby niya na car seat (na ang ganda at sosy pa!), pati baby books, pinakuha niya na rin sa amin. At nung makita ko yung What to Expect – the First Year, muntik na kong tumalon sa tuwa, bawal nga lang :) Buti na lang di ko pa kinukulit si bibi na ibili ako (although nung nabanggit ko yung book before, sabi niya ok lang daw na isama sa mga bibilhin). Kumpleto yung books niya ng What to Expect (When You’re Expecting, the First Year and Eating Well). 

Ngayon, cramming ako na basahin yung First Year kasi super lapit na ng CS sched ko! Nasa breastfeeding part na ako at talagang ok yung book – instructional kasi. I even used my favorite stuff toy, si Hobbes, para mas mag-stick sa akin yung mga techniques. Ang cute niya no? Ipapamana ko yan kay buting :)

Hanggang dito na lang muna at magababasa pa ako :)

No comments:

Post a Comment