Thursday, May 10, 2012

Kudos to Mommy Bloggers

Lagi akong nagbabasa ng mommy blogs pag naka-online ako. Naglagay pa nga ako ng blogroll sa blog ko para madaling ma-check kung may bagong posts for efficiency lalo na ang dami kong sinusundang blogs. Kaya ako hooked sa kanila kasi ang mga posts nila ay tungkol sa mga experiences nila involving their babies. Very helpful lalo na at malapit na ang arrival ni little buting. It also serves as my support group. Dahil bedrest ako, ang hirap makipag-chat kasi matagal akong mapapaupo na usually nagko-cause ng contractions. Eh pag napasarap pa naman ang kwentuhan, mahirap na turnigil, daldal ko pa naman. Tsaka karamihan sa mga friends ko, nagwo-work. Wala naman akong masyadong kausap sa bahay kasi dadalawa lang kami ni yaya at nasa office si bibi. With mommy bloggers, may instant kakwehtuhan ako (kahit one-way lang).

Dahil malapit na ang Mother’s Day, I would like to pay tribute to my favorite mommy bloggers:

1. Moowa of Momo Bear Bear at Yumi Bear Bear – siya ang nag-inspire sa akin na mag-start ng blog in 2004. Wifi siya ni hub, both good friends namin ni bibi since college. Ngayon, sa kanya ako madalas magtanong ng tips lalo na mayroon na silang boy and girl toddlers na super cute, well behaved at smart pa!

2. Frances of Topaz 
Mommy - ito ang unang mommy blog na sinundan ko before I got pregnant. Ang galing kasi nyang magsulat. Syempre, editor-in-chief kaya siya ng OK magazine :) Tsaka naging classmate ko rin siya nung highschool at dati pa man, magaling na talaga siya. Very entertaining and enlightening ang mga posts niya kaya masarap basahin, para kang nagbabasa ng magazine :)

3. Fleur of Mommy Fleur – kakaaliw ang blog ni Mommy Fleur! Kung magazine yung Mommy Topaz, comics naman ang Mommy Fleur. Light and funny ang mga posts niya at di pwedeng hindi matawa lalo na sa sitcom posts pero meron ding malalim na minsan nakakaiyak. Toddler na kasi yung daughter niya, si Anika, kya nagbaback read ako para malaman ko experiences niya with a baby girl. May mga madamdaming posts din noon, talagang experiences of a new mom. Knowing what to expect really helps me kasi may feeling ako minsan na nao-overwhelm ako. Hindi pala ako nag-iisa. Lalo na nung bumalik siya sa work. I can imagine myself in the same scenarios na kinukwento niya pag bumalik ako sa work kaya I’m prepping myself din sa mga ganung sitwasyon. Siya rin ang nag-inspire sa akin na magkaroon ng outfit of the day pics pero feeling ko, kaya ko lang yun habang buntis ako. Pero after kong manganak, malabo ng may outfit of the day pics ako. Baka si buting na lang :)

4. Marsy of Planetmarsy – ang cute-cute kasi ni baby Lia! Ang tiyaga ni Mommy Marsy na mag-take ng videos ng mga milestones ng baby niya kaya excited din ako na gawin yun kay buting :) Lalo na girl din si buting, marami akong natututunan sa mga experiences ni Mommy Marsy with baby Lia. Another working mom, nai-inspire ako kasi kung nakakaya nilang mag-work with a baby, kakayanin ko rin. Di talaga ako tipong pang-work at home mom kasi. Ang sweet din ni Mommy Marsy kasi ini-mail ko siya with a pedia question, di lang siya mabilis niyang sumagot, heartfelt din ang kanyang messages sa akin :)

5. Helene of MrsMommyHolic – na-hook naman ako dito kasi you’ll know kung saan ang mga baby friendly places na pwedeng puntahan and I learn a lot on how to travel with a baby and a toddler. Ang dami pang pictures kaya para na rin akong akong nakapasyal :)

Marami pang akong sinusundang mommy blogs pero hahaba na masyado ang post na ito. To all mommy bloggers, continue sharing your experiences kasi very helpful talaga, especially to new moms like me. Kudos and happy Mother’s Day!

No comments:

Post a Comment