Naghanap ako ng libreng software sa internet. Eto ang mga nasubukan ko:
1. http://www.photovisi.com/
- No need to download. Walang nga lang undo. Kahit na nagamit mo na yung mga pix e kailangan mo ulit i-upload kung gusto mo ulit gamitin yung mga pix. Hassle. Pedeng di ko lang nae-explore pa yung site pero ibig sabihin, di siya user-friendly. Tsaka yung gallery niya, connected sa FB account eh, di ako sure kung automatic siyang ma-share sa FB. Gusto ko may control ako dun sa collage na gusto kong i-share. Automatic pa yung orientation ng pix – landscape or portrait na minsan nacro-crop ng di maayos ang picture. Need pa i-upload ng paulit-ulit para tumama sa appropriate na orientation. Pag ok na yung collage, pede namang i-send sa e-mail yung finished product para ma-save sa local drive.
2. http://www.photocollage.net
- No need to download din. Ok sana siya yun lang, pag na-save na yung collage, nagiging blurry yung pix. Tsaka pag nag-add ka na ng text, di mo na mae-edit yung text pati positions ng pix.
3. http://www.shapecollage.com
- You need to download the software. Not user friendly and not much freedom when editing.
4. http://www.postermywall.com
- No need to download but you need to like them on FB to download the collage for free. Backgrounds are limited to what is available in their site unlike the first 2 wherein you can upload your personal pix for the background.
5. http://www.kizoa.com
- No need to download pero wala dapat “elements” from the site na gagamitin kundi di mo sya ma-download. Yung background dapat own pic at wag gumamit kahit insert text tool kundi, di mo na ma-download, unless bilhin yung software. Ok na rin siya para iayos ang pix na collage ang dating tapos edit na lang sa paint.
6. http://www.smilebox.com
- Eto na ang winner for me. Napagod na rin akong mag-trial and error ng mga nahihit ko sa Google na collage makers. Tinanong ko na yung dati kong officemate kung anong gamit niya sa mga collage na nakapost sa FB niya. Ito, there is a need to download the software and you have to be connected to the internet to use it. Di lang siya collage maker, pede ring gumawa ng slideshows, invitations, greetings, scrapbooks and photo albums pero yung collage lang ang sinubukan ko. I-save mo lang yung ginawa mo as "projects" para makuha mo yung jpeg copy and tadaa! may collage na :) Yung default folder kung saan sinasave yung mga "projects" ay sa Users/Documents (Windows Vista). Yehey, this is it, pansit!
No comments:
Post a Comment