Buti na lang at pede ng magpa Grab Food sa Mary Grace dahil habol ko sa kanila yung maliit at di masyadong matamis na chocolate truffle cake. Success!
Day 9 May 24, Sunday
Dapat mag general cleaning ako today kaso may naipit na ugat sa leeg ko. Sakeet! So medya medya lang ang linis na nagawa ko. At least may nalinis pa rin. Buti na lang at sanay na si buting na utusan sya. Natutuwa nga sya pag nakakatulong sya sa chores. At ang major accomplishment namin, natapos na namin yung DIY Painting na padala ng Tita Joy nya. Hay, ayaw kasing matulog at lagpas 12am na. Baka sakaling antukin. Pero since ganyan na yung oras ng tulog nya dahil night shift ako sa weekdays , di sya makatulog sa akin, kaya pati weekends damay...Anyway, back to our Mother - Daughter craft, here are pics. Nagstart kami ng May 10. 14 days after, tadaah!
May 10 - first day
May 24 - last day
No comments:
Post a Comment