Monday, May 18, 2020

MECQ Diary Day 1 and 2

So natapos na ang ECQ, MECQ na starting May 16.  Di ako naka keep ng diary when ECQ started.  Umpisahan na lang sa MECQ

Day 1
- first online class ni buting with MyNaiNai.  Nakatuwa kasi nag enjoy si buting kahit Filipino yung topic.  Yun kasi ang nirequest kong topic.  1 hour of peace and quiet for me , doing the DIY Diamond Painting (Owl) na inumpisahan namin last Saturday.  Malaking tulong sa mental health - having my me time with no guilt since I know buting is learning while having fun.

- nagluto ako ng Paksiw na Tilapia.  Sarap hehe

Day 2
- General cleaning ang target ko every two weeks for the sala/sleeping quarters namin. Yup, sa sala kami natutulog ni buting when ECQ started since bibi needs to stay in the masters bedroom for the self quarantine set up.  Si bibi kasi ang laging lumalabas ng bahay.  That means vacuum, wet rag for the dust and cleaning the fans.  So happy. Kapagod pero worth it.   Cant afford magka asthma si buting. If kaya ko lang ng every week.  Pero for my sanity's sake, every two weeks.  Ka alternate nyan yung deep cleaning naman ng middle room and bathroom.

- Every week naman ang sched ng washing of bed linens, tsaka kitchen and dining areas.  Everyday dapat ang walis pero pag di kaya, kahit every other day.  Again, tao lang naman, napapagod din. I choose my battles

- While folding clothes, buting and I watched Bofuri. Kakatuwa.

- Fried tilapia for dinner

- She turned off the tv and said that she will tell me a scary story for bed time.  The Dock Pirate. Had it recorded.  Hopefully, audible

- We had a sing along for her bed time songs.  Saya saya.  Tawa sya ng tawa.  Moments like this I would not want to forget.  Hence, the start of this MECQ Diaries.

*Stressful ang ECQ due to work and the addtl adjustment dahil no househelp and semi quarantine set up with bibi. But after 60 days of ECQ, naka adjust naman na kahit konti...

No comments:

Post a Comment