Tuesday, December 20, 2005

we're back!!

elo everyone!! matapos ang matagal na panahon, nakapag-post na rin ako! hay, grabe. siyempre, masaya ako dahil natapos na rin ang makabagbag damdaming trip down the aisle namin ni bibi.

ganun pala pag tapos na ang kasal. naisip ko, ngek! tapos na? parang isang panaginip na natapos agad sa isang kisap mata...pero kahit naisip ko yun, masaya pa rin ako dahil natupad din ang pangarap naming wedding ni bibi (although may mga istorya na pang-maalaala mo kaya), talagang sobra ang galak namin bago kami natulog ng aming first night (natulog daw o? =), hanggang ngayon.... (nasa honeymoon stage pa kasi kami kaya pagbigyan nyo na kami).

well, gusto ko pa rin sanang ipost ang mga pangyayari mula sa huling post ko ng September hanggang sa the night before the wedding. Tignan natin kung kaya pa ng powers ko.

iniba na rin namin ang title ng blog namin kasi di na siya pang-wedding. sari-saring trip na nina kuting at bibi ang ipo-post namin.

abangan ang mga susunod na mga posts!!!!

Monday, September 19, 2005

Trip to Divi (Part II)

9.17.05

Late na kami ni bibi. Usapan namin nina Magi and Soki (our abays) e 9:30 sa Mcdo Pedro Gil. Kainis naman kasi yung taxi namin e. Dinaan kami sa matrapik na daan. Hmph! Hayaan ko na nga at bka magka-wrinkles pa ko. Trip to Divi Part II ito. Last time, sina Coni at Rizza (also our abays). Ngayon, sina Magi at Soki naman ang dinala namin sa masikip na lugar ng Divi.

Nagpa-measure na sila sa Antonio’s Gown and Barong. Dadalin na lang namin ni bibi yung preferred na designs nila sa pagbalik namin dun.

Pumunta na rin kami sa Edong’s Souvenirs and Figurines para bilhin na ang gaming give-aways. Grabe, ang init talaga dun! Pero sulit ang paghihirap naming dahil (sa tingin ko) ang kyut talaga ng souvenirs namin.

Hay..pagod pagod na naman…di bale, ilang buwan na lang…=)

The Second Fitting

9.16.05

Second fitting ko na ulit. Measurement taking naman si bibi c/o Ka Kiko. Umabsent pa talaga kami (half day lang) kasi la na rin time si Veluz mag-fit ng week ends dahil sa mga weddings niya (syempre, mabili talaga sya e!)

Nung nakita ko yung gown, wow! Ang ganda ng kulay! Parang white gold na cream na di ko mawari. E, wala talaga akong alam sa kulay kulay. Pati nga yung fabric na ginamit, di ko lam. Basta, maganda siya.

Nung isinukat ko na, shucks!!! Totoo na ito! Ang sarap pala ng feeling. Binibiro ko nga si Veluz na nangingilid ang luha ko sa tuwa (he he he, pero di talaga kasi ang OA ko naman kung nagkataon =) Ikinabit (kunwari) ang detachable train. Ang haba! Pero ang ganda ng dating! =)

Nakalimutan ko na naman ang camera. Wa! Camera phone na lang. Pero back view lang ang pedeng i-post. =)




Shucks ulit..

Singit – Nakipagkita kami kay Julie Baun, dating ABS CBN hmua, after ng fitting. Ok sana siya kaso yung mga pics na pinakita niya, medyo matapang ang mu. Hay, ang hirap talaga maghanap ng hmua!

Singit #2 - Mukhang candles na rin ang gift namin sa mga ninongs. Magaganda yung mga candles sa Doc's Candles. Pero saka na muna yun...

Wednesday, September 14, 2005

Hotel Hunting

09.11.05

Malapit na kasi ang aming trip down the aisle kaya lagare na sa mga wedding preps. After the strings, hotel hunting na kasi, baka fully booked na ang mga hotels pag patumpik tumpik pa. First time kong di kasama si bibi sa mga lakad related sa wedding (kung bakit, sa amin na lang yun, baka maiyak kayo, he he he). Pero kasama ko naman si Coni, my abay and favorite hawsmate (siya lang kasi kasama ko sa haws, he he he). Andun din ang sub ni OTD Marj, si Me-ann.

Hotel #1: Discovery Suite

Ok ang lobby. Pero nasisikipan ako sa mga rooms. Bulky ang mga furnitures. Tsaka madilim.

Hotel #2: Astoria

Maliit ang lobby (kita agad namin si Eyewitness Howie Severino e!) Pero maluwag ang mga rooms! Na-sad ako agad kasi fully booked na sila. Nasa waiting list na lang ako in case may mag-back out.

Hotel #3: Crowne Plaza

After Astoria, parang nawalan na ako ng pag-asa, "Sige, try natin sa Makati.". Buti na lang at binanggit ni Coni na, "Yung Hyatt at Galleria Suites, try din natin." Punta kami agad sa Robinson’s Galleria (sumakay kami ng FX). Medyo naligaw kami kaya napadpad kami sa Crowne Plaza.

Grabe!!Panalo!! Lobby pa lang, ang danda danda na! Bagong-bago pa yung hotel. Kabubukas lang nung July.

Rooms naman – panalo!!! Maaaaluuuwaaag talaga! Maganda rin yung colors ng walls at maliwanag. First room pa lang (deluxe king) ok na. Pero nung nakita naming yung Executive Room, yun na ang kinuha namin!

Price – um, medyo mahal siya pero considering the size, pwede na. =)

Siyempre, pa-reserve agad. Credit card number lang, ok na. La pang charge yung reservation. Yipeee!!!

Hotel #5 : Hyatt (dating Galleria Suite)

Tinignan naming ito just in case gusto ng families namin na mag-check in. P1,000 din ang difference sa price ng deluxe. Pero sobrang lapit nito sa Crowne Plaza kaya ok na rin.

Hay salamat! May hotel na!! HMU artist na lang!!! =)

With Strings Attached

9.10.05


Sabado ng 530 PM ang appointment namin with STRADAVARIUS. Maulan-ulan sa Matahimik Street ng Teacher's Village nung dumating kami.

Ang bait ni Malou. Nakakatuwa siyang kausap. Pinapanuod niya kami ng isang video kung saan may quartet na tumutugtog (si Malou sa violin). Mukhang magaling sila (miyembro sila ng Philharmonic Orchestra e). Marami rin siyang mga tips na binigay sa amin ni bibi. Magkakilala na rin sila ng OTD ko. Sanay na rin silang tumugtog sa Gazebo. Tsaka ang pinakaimportante, pasok sa budget!!! So, our conclusion? Down na agad!! Hindi rin mabigat yung downpayment (usually 50% agad e). Ang bait talaga no? Ang saya-saya no? =)

Tuesday, September 06, 2005

OTD to the Rescue

9.5.05

6:30 pm ang usapan namin ng aming OTD (on-the-day) coordinator na magkikita. Nag-text siya na male-late daw siya. Hmm...sige na nga at pagbigyan dahil medyo matrapik tsaka maulan pa kaya dagdag trapik. Tutal, OTD nga lang ang services na kinuha namin pero ngayon pa lang, nagmi-meeting na.

Nakakaaliw pala na may mag-iisip, magpla-plano at magwo-worry para sa iyo. =) Basta, gagawin na lang namin lahat ng assignments namin (things na hindi pwedeng i-delegate like attending required seminars =). Aliw pa kasi sasamahan niya kami na mag-scout ng hotel this Sunday! Hay, buti na lang kasi mahiyain kami ni bibi pagdating sa mga hotel-hotel ek ek na yan.

Ang dami niya ring ideas na pang-spice ng reception (sana nga mag-enjoy ang mga bisita!!) tsaka mga tips na only a veteran coordinator knows.

Hay, grabe..lapit na nga..

Sunday, August 28, 2005

Side Trip - Spaced Out

Hmm, magca-career shift ba ako? he, he, he =)



Your Dominant Intelligence is Spatial Intelligence



You've got a good sense of space and how the world around you looks.
You can close your eyes and "see" images. You have innate artistic talent.
An eye for color and shapes, you're also a natural designer.
Since you think in pictures, visual aids and demonstartions help you learn best.

You would make a good navigator, sculptor, visual artist, inventor, architect, interior designer, or engineer.


Monday, August 15, 2005

To Fit or Not To Fit

8.13.05

First fitting ng aking wedding gown. Katsa lang naman yung ipinasukat sa akin. Shucks, nakaaliw dahil first time kong magsuot ng petticoat (parang siyang palda na maraming layers) tapos tube dress (o, di ba?!). Pero di tube ang final dress dahil conservative kasi ako =)

Isa lang ang comment ni Veluz sa akin, sa lahat ng brides, bakit la akong dalang camera?! A, e, katsa pa lang naman yun e. Kung sabagay, yung sinundan kong nagsukat, rumampa pa sa sala for her h2b (husband to be), nanay at kapatid to see. Samantalang ako, si bibi lang ang kasama ko..Heh! Tama na ang drama - drama na yan! Di bale, babawi ako sa second fitting - di ako magdadala ng batalyong kamag-anak, camera lang para mai-post ko dito (he he he..abangan!!!)

Tuesday, August 02, 2005

Another Busy Saturday

7.30.05

Hay salamat at medyo nababawasan na ang mga to do’s namin...

1. bahay ni bibi – Malapit na kaming maging mag-kapitbahay! Nai-reserve ko na yung unit sa may compound namin, mga 9 am nung Sabado. Hindi rin naman ako atat no? Mabilis kasi ang turnover ng mga units sa compound namin. Kasi, nung minsan tumingin kami ng available units sa kabilang compound nung Sunday afternoon, sabi sa amin nung Monday morning, may magmo-move in na ng 5 pm that day! Kainis! Gusto pa naman namin yung unit. Niway, not meant. Basta, magkapit-bahay na kami!

2. full payment sa Gazebo Royale – Nagsisimula na naman ang mga bayarin…Buti na lang at di pa due yung bond…

3. measurement taking with Veluz - shucks, papayat pa ba raw ako? di na ako nag-aambisyon pa...=)

4. ocular ng Sulo Hotel – Eng. Wala na bang ibang hotel sa Quezon City?

Side trip – nag-burn ng mga mp3, JLU at Naruto episodes courtesy of rrargh!!

Thursday, July 28, 2005

Ang Alamat ng Butas na Tenga

7.28.05

”Bakit wala kang butas sa tenga?!” ’Yan lagi ang tanong sa akin pag nalaman nilang ala pang butas ang tenga ko, e ang tanda ko na raw. ”E ayaw ng Nanay ko dahil wala naman daw ihihikaw sa akin dahil mahirap lang kami...” Drama ’no? He he he.

Nung bata pa ako, sinabi ko na hindi ko na lang talaga pabubutasan ang tenga ko kasi hindi naman ako mahilig sa alahas. Pero naisip ko, magpapabutas lang ako ng tenga kung ikakasal ako. Kung magiging matandang dalaga ako, my ears will be virgin forever..=)

July 28, 2005 – markado na ang petsang ito dahil nagpabutas na ako ng tenga!!!!

Isang mabait na pediatrician (opo, dahil baby pa ang ears ko) na si Dra. Jo Dela Peña ng Clinica Manila ang nagbutas ng tenga ko. Sandali lang naman yung procedure, ala pang 5 minutes. Inunang binarilin yung kaliwang tenga ko (para kasing baril yung ginamit). Aray ko! Masakit pala. Give me a minute please…So kinuwentuhan muna ako ng pedia. Feeling ko, para akong bata na inaaliw..=) Binaril na rin myamya yung kanang tenga ko. Aray ko ulit! Masakit talaga! Feeling ko nga, nawala ang sense of balance ko tulad ni Rock Lee nung tinamaan nung nakalaban niyang Sound ninja yung tenga niya (actually, yung eardrums ang naapektuhan) habang ipinagtatanggol niya sina Sakura at mga walang malay na sina Naruto at Sasuke.....eka, balik tayo sa tenga ko. Eto po ang mga before and after shots ng aking beloved ears…




Ito lang ang masasabi ko habang ginagawa ko ang entry na ito…masakit…masakit ang tenga ko…wa.

Tuesday, July 26, 2005

Trip to Divi

7.23.05

5:30 pa lang ay gising na ako! excited kasi ako para sa aking first trip to divi! pathetic ko 'no? E, (borrowing the famous line of the father of my dear friend and abay, Coni = ) BAKIT BA?!! E ano ngayon kung first time ko...(oops, wala nga pala akong kaaway dito dahil blog ko 'to..=)

Niway, from Mandaluyong, nakarating kami ng Cluster Malls sa Divisoria. Ok dun!! Aliw!! Maayos ang mga tinda at may aircon pa! Ang daming mura - entourage gowns, jewelries (ja-peyk nga lang pero maganda!), sapatos, t-shirts...ok sanang mamili kaso kailangan may matinding willpower at focus para ma-accomplish ang goal for the day - entourage gowns at give-aways. Kasama naman ang aking mga butihing mga kaibigan at abay (Coni and Rizza =) at empre si bibi, sa trip na ito.

Marami naman kaming na-canvass at so far, ANTONIO's GOWN & BARONG sa C-59 ng Cluster Bldg 1 ang number 1 candidate.

May nakita rin kaming nagtitinda ng mga sets ng jewelries - FASHION JEWELRY - SUSAN CUA sa CB2 K-15 ng Cluster Bldg 1! Grabe, magaganda tsaka mura! Hay, at least di na ako mamumublema sa accessories. Hay, mahirap maging babae...

Nagpunta naman kami sa Tabora for the giveaways. Ang init naman dito tsaka medyo siksikan ang tao. Pero sulit naman sa mura!!! Table wind chimes na ang plano namin ni bibi as give-away. Maraming pagpipilian na design dun. Pagkatapos ng ilang tindahan at baratan, nakakita na kami ng gusto namin - simple metal and wood table wind chime with tulle and flower ribbon for only (SECRET!!! =) sa EDONG SOUVENIRS ANG FIGURINES (tapat ng Banco de Oro)!

Mission accomplished!!!

Thursday, July 07, 2005

Trip Down the Aisle Update #1

Venue – Gazebo Royale
Caterer – Hizon’s (Marianne)
Photo and video – Lee Llamas (Lee & Rica)
Wedding gown and barong – Veluz Reyes (Veluz & Nico)
OTD Coordinator – A Magical Event (Marj)

Flowers - Festive Blooms (Walter)
HMU – ala pa!!! katamad magpa-trial HMU!
Invitation – ala pa!!! di pa kumpleto ang ninong at ninang!
String – ala pa!!!
Hotel – ala pa!!!
Souvenir – ala pa!!!

Marami pang kulang!

testing...

aargh! wala na akong access sa mulitply sa office!! kainis! ang kyut pa naman ng site ko. niway, don't let me down blogspot!

ipo-post ko na lang ulit ang aking mga makabagbag damdaming kwento dito....=)

Sunday, June 12, 2005

Ang Pamamanhikan

06.11.05

Excited na di mapakali ako sa pamamanhikan ng pamilya ni Edwin (kahit sino naman siguro, d ba? )

Niway, nauna na akong umuwi sa Cavite para naman may kasama si Nanay ko habang nag-iintay sa kanila. (Salamat ng marami kay Taweng, Joshie at Kune for the ride!)

As always, cool na cool ang Nanay ko. Kain ng kain ng bulalo na niluto niya (in fairness, masarap kasi kaya pati ako e kumain din - paano na ang diet!) e yung pamamanhikan ay sa Josephine's Restaurant sa Tabon, Kawit gagawin (kainan pa din!)

Dumating sila sa McDo-Binakayan ng 1 pm (andun kasi ang parking space namin ). Pumunta na lang kami ni Nanay dun sa McDo at nakita namin ang Lorenzo Family [Tatay ni Edwin, Tita Sonya at Mama Tita - mga kapatid ni Tatay, si Sanse Emie at Ate Cecil and Kyle (anak ni Ate Cecil)]. A,e..kinda marami sila no? Pero touched ako kasi ang layo ng biniyahe nila para hingin ang kamay ko sa Nanay ko (ang haba ng buhok ko! )

Niway, siguro dahil gutom na ang lahat (pati kami ni Nanay sa kabila ng bulalo), di na namin nakuhang magpikturan (sayang na naman ang mga Kodak moments..). Pero ang sarap ng food - puro seafoods (Mutya ng Cavite soup, grilled sampler, talaba, baked tahong, inihaw na pusit, yum yum!). Nakakaaliw din yung Tatay ni Edwin at Nanay ko - sila ang nagkwekwentuhan at ang topic - networking!

Nang matapos na ang kainan, inilabas na ni Tita Sonia ang sukatan ng sing sing [para sa wedding rings na courtesy of our ninang Celi (another tiyahin ni Edwin)]. Tanong ni Nanay, "Ano yun, key chain?" He he he. Mukha kasi talagang keychain na bilog bilog e.

Ang mga sukat - 51/2 ako at 71/2 naman siya. At ang mga details - white gold with princess cut diamond (.14 k for kuting at .16 for bibi) Shucks, todo na 'to!

Kaso, sumama ang pakiramdam ni Tatay kaya umalis na rin kami agad. Nagpalitan ng gifts ang magkabilang panig (paborita, jacobina at ogoy mula sa amin at relyenong bangus, embutido at kakanin (lahat masarap!!!) mula sa kanila.

Friday, June 03, 2005

Ang Pagpapalam ni Edwin Sa Nanay Ko (re the Wedding)

05.02.05

Pagdating namin sa haws ng 6pm, nagsabi si Nanay na may imi-meet daw siya
ng 6 pm at may pulong siya ng 7 at 8 pm. Hay, ang Nanay ko talaga. Pero
di naman siya umalis agad dahil alam niyang may sasabihin kami sa kanya.
Ang dami ni Nanay kinikwento-tungkol sa mga sari saring networking na
pinagkakaabalahan niya. Hay, 630 na, di pa rin kami makasingit. Nagsalita
na ako ng "Nay, may sasabihin po si Edwin."


Sabi ni Nanay "A, alam ko na yun. Sinabi na ng ate mo. Ok lang sa akin.
Matanda na kayo e."

Nagsabi ako sa Nanay ng mga naayos na namin. Ang sagot niya sa akin sa
lahat ng sinabi ko, "Ok lang. Bahala na kayo." He he he. Nanay ko
talaga, ayaw makialam. Kaya ang sabi ko, "Nay, attend kayo sa wedding ha."
Siyempre, tawa ng tawa si Nanay.

Hindi na talaga halos nakapagsalita si Edwin. Tapos biglang nagmamadali si
Nanay na aalis na raw siya kasi may pulong siya ng 7pm. Sabi ko "Nay, may
sasabihin pa po si Edwin." Ito namang si Edwin, wala talaga akong idea kung
ano ang sasabihin niya. Basta alam ko, nakapghanda na raw siya ng
sasabihin. Ayoko namang masayang. Pero nung marining ko, napatawa ako sa
sinabi niya - "Hihingin ko po ang kamay ni Liana." Ha ha ha. Ang baduy
pero kinikilig ako. Pati Nanay ko, napatawa. Sabi niya, "Ngek! E, ang dami
na nating pinag-usapan a!"

At yan po ang makabagbag damdaming kwento tungkol sa pagpapaalam ni Edwin
sa Nanay ko (re the Wedding).

Yun lang. Excited na ako!!

Sunday, May 22, 2005

The Gift

05.22.05

Birthday ni bibi ngayon!! Since last b-day niya as a bachelor, gusto kong gawing memorable ba. Kaya binigyan ko siya ng ---- WATCH!!

Ang tagal kong hinanap ang watch na ito (Fossil). Sari-saring tactics ang ginawa ko para lang malaman ang tipo niyang watch.

12:09 AM - Kasalukuyang nanonood ako ng Full Metal Alchemist at siya naman e nakatulog na sa sala namin. Ginising ko sya at sabi ko, HAPI BIRTHDAY! Dahil antok siya, ngumiti lang at pumikit ulit. Sabi ko, may gift ako sa iyo. La pa ding reaksiyon. Pero nung inabot ko na yung brown envelope (napaka-elegante ng pinangbalot ko 'no?), nanlaki ang mata niya. Tanggal ang antok! Tuwang-tuwa ang mokong (he he he)! Hindi niya ini-expect kasi nga, di naman ako nagreregalo (inapi pa ako!).

[umuwi muna siya dahil maglalaba pa raw siya]

around 4:00 PM - Matapos ang ilang episodes pa ng FMA, e dumating din. Nagpapogi pa nang husto (nagpabango pa nga e)! Usapan kasi namin ay kakain kami sa M CAFE!

6:45 PM - Busog na busog kami! Pero since ayaw ko pang umuwi, tinignan namin kung may available seats pa sa Gbelt 3 ng STAR WARS III. Feel na feel talaga ni bibi na birthday niya dahil, mayroon pa!! Ang swerte namin!

10:00 PM - Hinatid na niya ako sa bahay pero dumaan muna kami sa bahay ni Sanse. Ala lang. Chika chika lang.

10:45 PM - Umuwi na si bibi...(miss ko na siya agad!)

Saturday, January 29, 2005

The Trip Down the Aisle - the Beginning..

01.29.05

It was a sunny Saturday morning. Mukhang umaayon ang panahon sa amin dahil ito na ang unang hakbang sa aming paghahada sa aming -- TRIP DOWN THE AISLE!

First Agenda - Venue - Gazebo Royale

Natuwa kami masyado sa lugar kaya nagpa-reserve kami agad!




Second Agenda - Caterer - Hizon's

Free food tasting kaagad! Sayang, kumain na kami sa Jo's na malapit sa Gazebo Royale (ang sarap ng chiken!!) Niway, pa-busog busog effect pa kami e naubos naman namin lahat ng inihain sa amin (sino'ng mataba?) Dahil masaya kami at busog pa, nagbigay na kami ng reservation fee. Kahiya nga kasi, tinawaran pa namin dahil hindi namin naisip magdala ng cash. Buti na lang at mabait si Marianne, ang aming butihing contact sa Hizon's. May 2 free pasta pa kami!

Singit na naging Third Agenda - Photo and Video - Lee Llamas

Ang galing! Iba na pala ang lay-out ng mga wedding albums ngayon. Parang collage kaya maraming pictures ang pedeng ilagay. Mabait pa yung nakausap namin (hi rica!) kaya mukhang sya na ang kukunin namin.

Fourth Agenda - Church - INC Lokal ng Pag-asa

Since dito si bibi nakatala, ito na rin ang aming choice for the church. Tutal, sobrang lapit din nito sa GR.







Side trip sa classroom ni Teacher Mara....=)

What a day! Maraming na-accomplish! Ano na ang mangyayari sa susunod? Abangan....