05.02.05
Pagdating namin sa haws ng 6pm, nagsabi si Nanay na may imi-meet daw siya
ng 6 pm at may pulong siya ng 7 at 8 pm. Hay, ang Nanay ko talaga. Pero
di naman siya umalis agad dahil alam niyang may sasabihin kami sa kanya.
Ang dami ni Nanay kinikwento-tungkol sa mga sari saring networking na
pinagkakaabalahan niya. Hay, 630 na, di pa rin kami makasingit. Nagsalita
na ako ng "Nay, may sasabihin po si Edwin."
Sabi ni Nanay "A, alam ko na yun. Sinabi na ng ate mo. Ok lang sa akin.
Matanda na kayo e."
Nagsabi ako sa Nanay ng mga naayos na namin. Ang sagot niya sa akin sa
lahat ng sinabi ko, "Ok lang. Bahala na kayo." He he he. Nanay ko
talaga, ayaw makialam. Kaya ang sabi ko, "Nay, attend kayo sa wedding ha."
Siyempre, tawa ng tawa si Nanay.
Hindi na talaga halos nakapagsalita si Edwin. Tapos biglang nagmamadali si
Nanay na aalis na raw siya kasi may pulong siya ng 7pm. Sabi ko "Nay, may
sasabihin pa po si Edwin." Ito namang si Edwin, wala talaga akong idea kung
ano ang sasabihin niya. Basta alam ko, nakapghanda na raw siya ng
sasabihin. Ayoko namang masayang. Pero nung marining ko, napatawa ako sa
sinabi niya - "Hihingin ko po ang kamay ni Liana." Ha ha ha. Ang baduy
pero kinikilig ako. Pati Nanay ko, napatawa. Sabi niya, "Ngek! E, ang dami
na nating pinag-usapan a!"
At yan po ang makabagbag damdaming kwento tungkol sa pagpapaalam ni Edwin
sa Nanay ko (re the Wedding).
Yun lang. Excited na ako!!
No comments:
Post a Comment