Thursday, July 28, 2005

Ang Alamat ng Butas na Tenga

7.28.05

”Bakit wala kang butas sa tenga?!” ’Yan lagi ang tanong sa akin pag nalaman nilang ala pang butas ang tenga ko, e ang tanda ko na raw. ”E ayaw ng Nanay ko dahil wala naman daw ihihikaw sa akin dahil mahirap lang kami...” Drama ’no? He he he.

Nung bata pa ako, sinabi ko na hindi ko na lang talaga pabubutasan ang tenga ko kasi hindi naman ako mahilig sa alahas. Pero naisip ko, magpapabutas lang ako ng tenga kung ikakasal ako. Kung magiging matandang dalaga ako, my ears will be virgin forever..=)

July 28, 2005 – markado na ang petsang ito dahil nagpabutas na ako ng tenga!!!!

Isang mabait na pediatrician (opo, dahil baby pa ang ears ko) na si Dra. Jo Dela Peña ng Clinica Manila ang nagbutas ng tenga ko. Sandali lang naman yung procedure, ala pang 5 minutes. Inunang binarilin yung kaliwang tenga ko (para kasing baril yung ginamit). Aray ko! Masakit pala. Give me a minute please…So kinuwentuhan muna ako ng pedia. Feeling ko, para akong bata na inaaliw..=) Binaril na rin myamya yung kanang tenga ko. Aray ko ulit! Masakit talaga! Feeling ko nga, nawala ang sense of balance ko tulad ni Rock Lee nung tinamaan nung nakalaban niyang Sound ninja yung tenga niya (actually, yung eardrums ang naapektuhan) habang ipinagtatanggol niya sina Sakura at mga walang malay na sina Naruto at Sasuke.....eka, balik tayo sa tenga ko. Eto po ang mga before and after shots ng aking beloved ears…




Ito lang ang masasabi ko habang ginagawa ko ang entry na ito…masakit…masakit ang tenga ko…wa.

No comments:

Post a Comment