Saturday, April 29, 2017

Trip to DFA

40th and 5th birthday - yan ang isa sa mga milestones namin this year. Kaya ang balak namin, mag HK!

Nagrenew kami ni bibi ng passport at si buting naman new application sa DFA sa SM Megamall. January ako nag online apply para sa appointment, March na ang nearest available date! Pinili namin yung 10am, opening time ng DFA. Dapat 30mins before, nandun na.

Ang akala ko mala late kami kasi traffic at as usual, imbes na 8am ang alis, 830 na kami nakaalis ng bahay. Na realize ko na hindi pala applicable yung 30mins sa amin dahil kahit maaga ka, 10am pa rin ang bukas ng DFA. Ok rin yung sched namin kasi aside from priority kami dahil may bata, maaga talaga kami (2nd in line!).

Pick up ang preferred ni bibi pero kung ipapa courier, parang P180 ang fee. Ang hindi ako sigurado ay kung per passport yun or per address. Hindi express ang kinuha namin dahil di naman kami nagmamadali. Kung matuloy man, sa end of May or first week of June! Sana matuloy!

No comments:

Post a Comment