Saturday, April 19, 2014

ER



Hinihingal kasi si buting at kakaiba ang bilis ng heartbeat niya. Pagka-text ko kay doc, dalhin daw sa ER. First time kaya kabado kami.

Pagdating sa SLBGC, ay, parang walang sakit. Kaya lang, nung nagsuka, nabawasan ang energy si buting. Nung kinuhanan ng vitals, walang reklamo. Kailangan nga lang siyang i-xray para ma-rule out ang pneumonia. Si daddy ang kasama sa xray room at doon daw si buting umiyak kasi pinahihiga siya eh ayaw niya. Pero paglabas ng xray room, parang walang nangyari :)

Parang asthma pero di pa full blown. Di ako magtataka kasi si mommy, may childhood asthma. Para maagapan, nebulizer ang gamot.

Dear little buting,

You made me proud kasi halos lahat nurses and doctor, gulat na gulat kasi di ka umiiyak sa lahat ng procedures na gawin nila. In fairness, pati sa nebulizing sessions mo, mula hospital hanggang sa bahay, very cooperative ka - 15 mins kaya halos ang isang session. Ayaw mo talagang magka-asthma kung ganun. Very good my little buting :)

posted from Bloggeroid

No comments:

Post a Comment