Thursday, July 28, 2005

Ang Alamat ng Butas na Tenga

7.28.05

”Bakit wala kang butas sa tenga?!” ’Yan lagi ang tanong sa akin pag nalaman nilang ala pang butas ang tenga ko, e ang tanda ko na raw. ”E ayaw ng Nanay ko dahil wala naman daw ihihikaw sa akin dahil mahirap lang kami...” Drama ’no? He he he.

Nung bata pa ako, sinabi ko na hindi ko na lang talaga pabubutasan ang tenga ko kasi hindi naman ako mahilig sa alahas. Pero naisip ko, magpapabutas lang ako ng tenga kung ikakasal ako. Kung magiging matandang dalaga ako, my ears will be virgin forever..=)

July 28, 2005 – markado na ang petsang ito dahil nagpabutas na ako ng tenga!!!!

Isang mabait na pediatrician (opo, dahil baby pa ang ears ko) na si Dra. Jo Dela Peña ng Clinica Manila ang nagbutas ng tenga ko. Sandali lang naman yung procedure, ala pang 5 minutes. Inunang binarilin yung kaliwang tenga ko (para kasing baril yung ginamit). Aray ko! Masakit pala. Give me a minute please…So kinuwentuhan muna ako ng pedia. Feeling ko, para akong bata na inaaliw..=) Binaril na rin myamya yung kanang tenga ko. Aray ko ulit! Masakit talaga! Feeling ko nga, nawala ang sense of balance ko tulad ni Rock Lee nung tinamaan nung nakalaban niyang Sound ninja yung tenga niya (actually, yung eardrums ang naapektuhan) habang ipinagtatanggol niya sina Sakura at mga walang malay na sina Naruto at Sasuke.....eka, balik tayo sa tenga ko. Eto po ang mga before and after shots ng aking beloved ears…




Ito lang ang masasabi ko habang ginagawa ko ang entry na ito…masakit…masakit ang tenga ko…wa.

Tuesday, July 26, 2005

Trip to Divi

7.23.05

5:30 pa lang ay gising na ako! excited kasi ako para sa aking first trip to divi! pathetic ko 'no? E, (borrowing the famous line of the father of my dear friend and abay, Coni = ) BAKIT BA?!! E ano ngayon kung first time ko...(oops, wala nga pala akong kaaway dito dahil blog ko 'to..=)

Niway, from Mandaluyong, nakarating kami ng Cluster Malls sa Divisoria. Ok dun!! Aliw!! Maayos ang mga tinda at may aircon pa! Ang daming mura - entourage gowns, jewelries (ja-peyk nga lang pero maganda!), sapatos, t-shirts...ok sanang mamili kaso kailangan may matinding willpower at focus para ma-accomplish ang goal for the day - entourage gowns at give-aways. Kasama naman ang aking mga butihing mga kaibigan at abay (Coni and Rizza =) at empre si bibi, sa trip na ito.

Marami naman kaming na-canvass at so far, ANTONIO's GOWN & BARONG sa C-59 ng Cluster Bldg 1 ang number 1 candidate.

May nakita rin kaming nagtitinda ng mga sets ng jewelries - FASHION JEWELRY - SUSAN CUA sa CB2 K-15 ng Cluster Bldg 1! Grabe, magaganda tsaka mura! Hay, at least di na ako mamumublema sa accessories. Hay, mahirap maging babae...

Nagpunta naman kami sa Tabora for the giveaways. Ang init naman dito tsaka medyo siksikan ang tao. Pero sulit naman sa mura!!! Table wind chimes na ang plano namin ni bibi as give-away. Maraming pagpipilian na design dun. Pagkatapos ng ilang tindahan at baratan, nakakita na kami ng gusto namin - simple metal and wood table wind chime with tulle and flower ribbon for only (SECRET!!! =) sa EDONG SOUVENIRS ANG FIGURINES (tapat ng Banco de Oro)!

Mission accomplished!!!

Thursday, July 07, 2005

Trip Down the Aisle Update #1

Venue – Gazebo Royale
Caterer – Hizon’s (Marianne)
Photo and video – Lee Llamas (Lee & Rica)
Wedding gown and barong – Veluz Reyes (Veluz & Nico)
OTD Coordinator – A Magical Event (Marj)

Flowers - Festive Blooms (Walter)
HMU – ala pa!!! katamad magpa-trial HMU!
Invitation – ala pa!!! di pa kumpleto ang ninong at ninang!
String – ala pa!!!
Hotel – ala pa!!!
Souvenir – ala pa!!!

Marami pang kulang!

testing...

aargh! wala na akong access sa mulitply sa office!! kainis! ang kyut pa naman ng site ko. niway, don't let me down blogspot!

ipo-post ko na lang ulit ang aking mga makabagbag damdaming kwento dito....=)