Excited na di mapakali ako sa pamamanhikan ng pamilya ni Edwin (kahit sino naman siguro, d ba? )
Niway, nauna na akong umuwi sa Cavite para naman may kasama si Nanay ko habang nag-iintay sa kanila. (Salamat ng marami kay Taweng, Joshie at Kune for the ride!)
As always, cool na cool ang Nanay ko. Kain ng kain ng bulalo na niluto niya (in fairness, masarap kasi kaya pati ako e kumain din - paano na ang diet!) e yung pamamanhikan ay sa Josephine's Restaurant sa Tabon, Kawit gagawin (kainan pa din!)

Niway, siguro dahil gutom na ang lahat (pati kami ni Nanay sa kabila ng bulalo), di na namin nakuhang magpikturan (sayang na naman ang mga Kodak moments..). Pero ang sarap ng food - puro seafoods (Mutya ng Cavite soup, grilled sampler, talaba, baked tahong, inihaw na pusit, yum yum!). Nakakaaliw din yung Tatay ni Edwin at Nanay ko - sila ang nagkwekwentuhan at ang topic - networking!
Nang matapos na ang kainan, inilabas na ni Tita Sonia ang sukatan ng sing sing [para sa wedding rings na courtesy of our ninang Celi (another tiyahin ni Edwin)]. Tanong ni Nanay, "Ano yun, key chain?" He he he. Mukha kasi talagang keychain na bilog bilog e.
Ang mga sukat - 51/2 ako at 71/2 naman siya. At ang mga details - white gold with princess cut diamond (.14 k for kuting at .16 for bibi) Shucks, todo na 'to!
Kaso, sumama ang pakiramdam ni Tatay kaya umalis na rin kami agad. Nagpalitan ng gifts ang magkabilang panig (paborita, jacobina at ogoy mula sa amin at relyenong bangus, embutido at kakanin (lahat masarap!!!) mula sa kanila.