Friday, April 20, 2012

Gadget ni Kuting

Natutuwa ako kasi nagagamit ko ulit yung pinakamahal na personal gadget na binili ko ever (December 2006 sa Singapore).  Ito yung PDA ko na HP Ipaq. Ang galing kasi halos mag-6 years na ito, nagana pa! Ngayon, dahil bedrest ako, siya ang mini-computer ko dahil pag laptop ang gamit ko, naninigas tyan ko. Di ko alam kung nagkakataon lang pero pag PDA gamit ko, ayos lang.  Kaso luma na software tsaka ala ako wifi sa bahay so yung mga blog entries ko, ma-upload ko lang tuwing may chance na makapag-internet using laptop, which is once or twice a week lang, gamit ang prepaid Tattoo broadband (para tipid hehe).  Para rin syang ipod kasi maganda yung sounds niya. Hmm, kung matuto lang ako pano i-update software nito, ayos na!


Pangarap ko pa naman makabili ng bagong cellphone na hi-tech (iphone 4s, sony ericsson xperia pro, nokia lumia) before pa ako ma-pregy pero since may baby na on the way, iba na ang priorities ko.  Talagang nag-iiba ang buhay pag may anak but I wouldn't have it any other way. 


with matching bluetooth keyboard


No comments:

Post a Comment