Tuesday, October 30, 2018

Chocolate Heaven at Royal Duty Free - Subic


Nagpunta kamo sa Subic para sa school break ni Yowyn.  Isa sa pinuntahan namin ay ang Royal Duty Free.  Pero hindi na namin nalibot.  Ang nabili namin ay puro chocolates.  Ok lang naman kasi ito yung mga packs na hindi ko nakikita sa grocery.


Php431



Php880




Php166

Good luck at malamang magkaka sore throat ako hehe :)

Wednesday, October 24, 2018

My New Bayong

Loving my new bayong!  Nakatulong pa sa kapwa :)  It's a community livelihood  and they supply to those bayong sellers on IG!

Excited to use this in our family beach trip!


Tuesday, October 02, 2018

Bench Baby Fair : In for a Treat

Baby and Kids Fair by Bench, yan ang lagi ko ng inaabangan.  We were able to go last year at sulit ang punta.  This year, sulit pa rin sa laki ng discounts ng mga items na matagal ko ng gusto.


Here are our loot:

from @brightbrandsph = 20% off! Di ko na napicturan yung birthday gift ko sa anak ng friend ko (portable dinosaur playset)

Ang matagal ko ng inaasam na yumbox!

May award naman si buting this quarter, pagbigyan na :)

Hindi ko rin na nakunan ng pic.  Nagamit agad.  Pamalit dun sa freebie sandwhich cutter na nasira agad

from @bebear_ph - 20% off din plus free Baby Dove goodies

natupad na ang pangarap kong hi tech thermometer!


good timing kasi gusto talaga namin itry dahil sa may rashes na naman si buting


Wala akong nakitang sulit na bilhing damit unlike last year.  Pero ok na rin.  Next year ulit!

Monday, September 17, 2018

Mall Rats

Dahil marami pang gagawin si bibi, kami na lang mag-nanay ang lumakad.

Bumili ng suitcase sa HSBC Sale

At ang much awaited scooter.  Halos isang taon ata naming binabalikbalikan yang scooter na yan sa Toy Kingdom.  Akalain mo, naka tsamba kami ng 30% off! Need ko lang mag avail ng toy kingdom card na Php150 good for 2 years.  Bawing bawi pa rin dahil from Php3K + naging Php2.2K na lang, with helmet na yun.

Habang nagma-mall, naka scooter na kami para masulit at masubukan kung kaya ni buting mag scoot sa mall.  Tagumpay! Hehe. 

Bathroom Picks

For reference, eto yung mga gusto kong bathroom products


Friday, August 24, 2018

Random Thoughts_082418

wa.  may permanent molar tooth na si buting. 

future reference pag na turn over na yung condo investment namin - https://adviceblogger.com/bedroom-organization-ideas/

do i need to look for a new job?

kelan kaya ako mag aaral ulit mag drive?

worth it ba na bumili ng shoes na 5k and up?




Friday, August 17, 2018

Art Cart

Dahil sa sobrang hilig niya magdrawing at mag paint, ginawan ko si buting ng lagayan ng lahat ng gamit related sa arts and crafts.  Pati yung craft things ko, nilagay ko din hihi.  Ang sabi ko, we can call it Art Mobile.  Sabi niya, "how about, Art Cart!" I loveet!


Matagal na itong Art Cart at may special spot na ito sa bahay.  Nilagyan nya ng label yung spot




Thursday, August 16, 2018

Cards

Kahit anong pagod mapapawi kung makikita mo sa iyong tulugan ay isang DIY card gawa ng iyong anak...Salamat buting






Sunday, August 05, 2018

Saturday Bonding Moments

Habang nag iimis ng mga artworks ni buting, nagkwekwento sya bakit nya dinrowing yun.  Eto ang mga highlights nya:



The Legend of the Golden Dragon - yung human na cursed at naging dragon.  he needs to find the magic necklace to be human again.  Yan ang map.


daddy taking care of the tree


comics daw yan - Superhero Girl

Marami pa pero to be continued muna...

Kaaliw lang.  Productive day kami today.  Kahit 2pm na ako gumising kasi 6am na ako natulog due to work, nakapag clean up kami ni yowyn ng masaya.  Pati gamit ni bibi, naimis ko rin para magkaroon pa sya ng additional storage.  

Ay, at nag game night pa kami! Nakita ko kasi yung box of cards ni bibi.  May playing cards at Magic cards dun.  Nag Magic kami ni buting! Tapos sila naman ni bibi.  






Tapos, nag magic tricks pa sila ni bibi , ginagaya nila yung napanoon nila sa AGT.  Kakaaliw lang.  Sarap ng ganitong moments :)

Saturday, July 28, 2018

Fairy with a Magic Paintbrush

Wala akong tulog dahil sa work tapos straight sa church dahil sa isang tanging pagtitipon. Pagkatapos noon, natulog na ako. Pagkagising ko, ito ang bumulaga sa akin - "Mommy, I am a fairy with a magic paintbrush!! I can make anything you want!" Hehe napaka imaginative nya. Ang dami pa nyang kwento. Pupungas pungas pa ako ng sinabi niya na can you make me fairy wings? Sakto naman may bakanteng kahon ng electric fan. Dadagan mo lang ng you tube video, at mga art supplies sa bahay :




Tadaa!




Kahit pagod, masaya na may bonding activities kami ni buting.

May kwento pa yan habang nagpapaint - 2 little girls with a straw house and with thunder destroying their house. Ang lakas kasi ng kulog noong oras na yun at takot na takot. Kaya gumawa na lang siya ng kwento. Mahaba pa iyan. Na gumawa raw ng bagong bahay gawa sa bricks raw. Kaya kahit bumalik ang thunder, hindi na natinag ang bahay. The 2 little girls stayed inside the brick house safe and sound. Gandang story book for kids :)

Thursday, June 21, 2018

Little Cebuana

#pinoykeshi #delayedflight #PALaging late

Nakailang ulit naman akong ikot bago ito bilhin kasi mahalia siya. I took a picture and showed it to buting. Sabi nya, "It's so cute, just like me. I like it!" Sold!



You now have a new home!



At meron din siyang passport. Mukhang biyahera ang aming little Cebuana. Parang nagiging ganun na rin si buting.




Tuesday, June 19, 2018

Saturday, June 16, 2018

Artsy Mode

Favorite artworks ko for the day ni buting (Saturday).



Mas defined na yung features at may iba't ibang kulay na gamit niya.

Eto naman, joint project namin. Pagkagising, I want to paint with mommy ang gusto. Ginaya namin ito sa painting book na bigay ng Tita Cecil niya.



Eto naman, crayons naman gamit



Malaki na rin improvement niya sa paggamit ng watercolor. Iba't ibang kulay na rin gamit niya. Pero di pa rin mawawala ang 1 color paint na style niya (kahapon lang yan hehe)



Idagdag ko na rin ito - portrait naman. Wedding daw namin ni bibi na kasama siya. Nilagay pa nya talaga yan sa pader. Hahaha!

Kidzania Manila

This was a surprise gift for buting on her 6th birthday. Surprise kasi di ko masabi agad dahil nalimutan kong bumili ng tickets in advance. Hoping na wala na lang masyadong tao (Friday sweldo..).

Good thing because we were able to get unli pazz for 1 month. Just Php1k! Naka 3 punta na kmi kaya sulit na. Ayaw na bumalik, napagod sa 3rd time kasi holiday. The first 2 times were Fridays.

This is my favorite pic. I asked her "do you want to know what mommy does in the office"? Gusto sana nya kaso haba pila and pasara na Kidzania (4pm closing time). At least may picture.



A few other pictures from our Kidzania trips













Ang saya nya lang :)

Sunday, June 10, 2018

Tiara Designer

Pahabol kwento - nung tiara na nya yung gagawin, talagang very specific ang design. Din-rowing pa nya.



Yung drawings sa crowns, si buting may gawa. Yung drawing sa tiara, pinagawa nya sa akin pero sa kanya pa rin yung design.

Nakakaaliw lang kasi kaya na nyang sabihin yung gusto nya at mahilig talaga syang magdrawing at mag create ng kung ano ano.

May bracelet pa nga pala ako na collab namin. Kaso di ko na picturan... Di bale, marami pang ganyan in the future