Mula ng pinanganak si buting, ako pa lang ang gumugupit sa buhok nya. Una, noong bago sya mag 1 yr old. Bangs lang ang ginupitan ko, habang tulog. Pangalawa naman ay noong 2016, tinabasan ko ng kaunti yung sa likod habang sya naliligo. Tinago ko pareho pero yung una, di ko na matandaan kung saab ko nilagay. Yung pangalawa, naitapon ni yaya. 2016 din yung pangatlong gupit pero trim lang. Noong Jan 21, Sabado ng hapon, ginupitan ko ulit sya. Big deal ito dahil mula sa lagpas kili kili nya, naging hanggang balikat na lang ang buhok nya! Natakot ako! Buti na lang kulot sya dahil hindi halata na hindi pantay gupit sa kanya. Style ba. Hay, buti na lang at humahaba ang hair. Hehe
Before
After
Before
After