Friday, January 08, 2016

Starbucks Planner 2016

For the first time, may Starbucks Planner ako!



Hindi kasi talaga ako ma-kape pero madalas akong mag Starbucks dahil sa sandwhiches nila. Plus the fact na yun lang establishment na nago offer ng healthy food choices sa office ko.

Come December, siguro dahi sa puyat na rin, nawili na akong mag kape dahil nadiscover ko ang decaf tsaka I feel alert after drinking. I read somewhere na dapat matagal ka ng gising before ka magkape para maging effective ang kape na pampagising. E umaga pa lang gising ako tapos hapon pasok sa office hanggang madaling araw, nasa office pa ako. Pwedeng psychological lang kasi decaf nga ang iniinom ko. At least, positive effect. Pero nasubukan ko ng hindi decaf dahil nung minsan nagkamali ako at hindi decaf, halos lumuwa ang mata ko sa sakit ng ulo ko.

Anyway, hindi ko mabubuo yung stickers without Mond's help and support. Thanks Mond!