Thursday, December 24, 2015

Worst Disney Movie Ever

Grabe, hindi ko kinaya ang The Good Dinosaur. Wala pang kalahati, tinigil ko na yung movie. Not meant for little children. Kahit ako I will not even try to finish the movie. Too traumatic, violent, with reference to drugs, too much death. Yun lang.

Monday, December 21, 2015

Milestone Today for Buting

Big girl na si buting. Bakit ko nasabi? For the first time, nagsabi na siya na magwi wiwi sya. At talagang nakaabot kmi sa CR tipong naghintay sya para ma set up yung seat nya sa toilet. Yes, I am so proud of her :) Yung poops kasi before pa sya mag 3, kaya na nya magsabi. Yung wiwi yung medyo nainip ako. Gusto ko ng makatipid sa diaper. Hehe. Kidding aside, I think it's time na talaga. And the time has come!!

Ok, milk bottle feeding ang next..:)

Wednesday, December 09, 2015

Mobile Blogging Buddies

I am happy with Bloggeroid. Ang daling magblog pag feel ko since lagi kong dala ang cellphone po. Kaso, pagkatapos kong gumawa ng malanobelang entry, pag pinublish ko yung entry at nagloko ang internet - babay entry! Kainis! Pero syempre dapat good vibes lang palagi at kailangan lang hanapan ng solusyon.

Ang sagot - SomNote! Ang daling gumawa ng entry dito, para kasi syang diary. Ang dali pang mag copy paste. So dito ko muna ginagawa ang mga drafts ko. Kaya kahit mawala ang entry ko due to technical glitches, ok lang.

Gusto ko rin yung Photogrid kasi nacoconsolidate sa isang pic yung mga gusto kong pics. Mabigat kasi pag isa isang pictures.

Hehe, wala lang. Naaliw lang ako sa mga blogging apps ko. :)



CTM - 12082015

Naging player ako sa bowling tournament representing our church locale 2 weeks ago. Sa Starmall Alabang ang venue. Syempre kasama si bibi at buting. Cute kasi sabi nya "I want to try" nung makita nya yung mga naglalaro. Sabi ko kay bibi, bilhan ko sya ng toy bowling. Sagot ni bibi, wag na. Kaya eto ang solusyon :)

Friday, December 04, 2015

CTM - 12042015



Bibi bought an exercise machine. Para di masayang, gamitin na yan araw araw. Pede na ba yung 5 mins - 1 km a day? Kulang pa talaga sa exercise. Complemented by 30 mins of Wii Fit time naman. Hmm. Mapicturan nga yung Wii ko. Effective talaga yun. I lost 10 lbs 5 years ago dahil sa Wii at tsaka motivated din naman for me to get pregnant. Sulit - pumayat na, may buting

1st School Field Trip ni Buting

Dec 3, 2015 - First school field trip ni buting. Syempre di kami papayag ni bibi na di kasama. Nakakapagod nga lang kasi panay pakarga ni buting lately at madaling umiyak. I think nasa terrible three stage siya. Well, ganun talaga ang bata. Need talaga namin habaan ang pasensya. Enjoy the moment na lang habang clingy pa kasi darating ang panahon na hindi na...o naging drama rama na. Balik sa topic - field trip :)

First stop ay Phil Airforce Museum. Sunod, Greenbelt 1 para manoon ng musical play na Snow White and the Seven Dwarves. Last is Avilon Zoo sa Montalban, Rizal.

Ayaw ni bibi bumili ng souvenir at dahil ayaw din ni buting magpapicture, eto ang solusyon ko - souvenir shot :)



Yan ang tatak sa Avilon Zoo pagpasok. Hehe

By the way, 10th year wedding anniversary namin ni bibi today. Yung field trip, yun na yung celebration namin. Mahirap kasi nakakapagod. Masaya dahil kasama naman si buting. Reminds me of the typical wedding vow - magkasama sa hirap at ginahawa. Here's to us bibi and to many more trips together!

Wednesday, November 18, 2015

CTM 11.17.15



Shucks! Parang kailan lang, ang bulinggit ni buting. Ngayon, hindi na siya baby. Bata na talaga siya. Ang bilis ng panahon...

Dear little buting,

Mamikuting and dadibibi love you very much. We hope you continue to be a well mannered and malambing na anak. Kahit natututo ka na magkalat habang naglalaro, nakakatuwa kang panoorin - gumawa ka ng sariling mong kanta, mga dialogues sa role playing games mo. Pangita ang hilig mo sa pagkanta at pagtugtog ng instruments - piano at guitars. Balang araw, bibili tayo ng totoong gitara at sabay tayong mag guitar lessons :)

CTM Origins

Nauso sa FB yung caption na ATM. Matagal ko ng iniisip ano ibig sabihin nun. At the moment pala.

Ako naman, for my blogging pleasure, CTM ang gagamitin ko sa titles ng entries ko - Capture the Moment. Mga blog entries na may picture lang pero walang intensyong gumawa ng mahabang posts. Short captions lang. Parang instagram. Hehe.

Bakit di na lang sa instagram ipost? Sayang ang blog ko eh. Para may regular blog posts. Tsaka sa instagram pati sa FB, may newsfeed sa mga friends at followers mo. Ayokong iflood ang newsfeed nila ng mga pictures ko na ako lang ang nakakarelate. At least, sa blog, may effort pa talaga kung gustong may magbasa ng entries ko.

Here's to CTM! Makakailan kaya ako na CTM posts? Abangan!

Thursday, November 12, 2015

Me Time Part 2

Habang ang mga paa ko ay binibigyan ng royal treatment, enjoy na enjoy ko ang pagababasa ng magazine. Favorite ko talaga ang Good Housekeeping.

Anyway, just to want share ang mga ideas inspired by the mag i read today.

Plan for the Financial Future

Natext ko nga si bibi para pagisipan ulit ang mga dapat gawin for investments.



Future Table

Just in case na papalitan namin ang 9 yr old dining table namin, type ko to kasi it transforms to a longer table - kasya 10 :)



Pag relaxed mode, ang sarap mag muni muni :)

Me Time

Hindi ako makapag closed shoes dahil sa accident with our "golden" vacuum. Napansin tuloy ng boss ko ang mabintog kong mga toes. Na conscious tuloy ako. Kaya after church, nagpunta ako sa California Nail Spa sa All Home Taguig.

Sarap ng feeling. Relaxed mode. Magaan pa ang kamay ni Platinum, my pedicurist. Eto sya o with my bintog toes



I have a feeling mauulit ito :)

Wednesday, November 11, 2015

Testing Bloggeroid

Am back! Hmm, hopefully will be able to sustain this. I only have 5 to 6 hours of sleep for the past months...need to do something about this.

For the meantime, how about a cute image to start my day today? :)



Have great day today!