Monday, September 19, 2005

Trip to Divi (Part II)

9.17.05

Late na kami ni bibi. Usapan namin nina Magi and Soki (our abays) e 9:30 sa Mcdo Pedro Gil. Kainis naman kasi yung taxi namin e. Dinaan kami sa matrapik na daan. Hmph! Hayaan ko na nga at bka magka-wrinkles pa ko. Trip to Divi Part II ito. Last time, sina Coni at Rizza (also our abays). Ngayon, sina Magi at Soki naman ang dinala namin sa masikip na lugar ng Divi.

Nagpa-measure na sila sa Antonio’s Gown and Barong. Dadalin na lang namin ni bibi yung preferred na designs nila sa pagbalik namin dun.

Pumunta na rin kami sa Edong’s Souvenirs and Figurines para bilhin na ang gaming give-aways. Grabe, ang init talaga dun! Pero sulit ang paghihirap naming dahil (sa tingin ko) ang kyut talaga ng souvenirs namin.

Hay..pagod pagod na naman…di bale, ilang buwan na lang…=)

The Second Fitting

9.16.05

Second fitting ko na ulit. Measurement taking naman si bibi c/o Ka Kiko. Umabsent pa talaga kami (half day lang) kasi la na rin time si Veluz mag-fit ng week ends dahil sa mga weddings niya (syempre, mabili talaga sya e!)

Nung nakita ko yung gown, wow! Ang ganda ng kulay! Parang white gold na cream na di ko mawari. E, wala talaga akong alam sa kulay kulay. Pati nga yung fabric na ginamit, di ko lam. Basta, maganda siya.

Nung isinukat ko na, shucks!!! Totoo na ito! Ang sarap pala ng feeling. Binibiro ko nga si Veluz na nangingilid ang luha ko sa tuwa (he he he, pero di talaga kasi ang OA ko naman kung nagkataon =) Ikinabit (kunwari) ang detachable train. Ang haba! Pero ang ganda ng dating! =)

Nakalimutan ko na naman ang camera. Wa! Camera phone na lang. Pero back view lang ang pedeng i-post. =)




Shucks ulit..

Singit – Nakipagkita kami kay Julie Baun, dating ABS CBN hmua, after ng fitting. Ok sana siya kaso yung mga pics na pinakita niya, medyo matapang ang mu. Hay, ang hirap talaga maghanap ng hmua!

Singit #2 - Mukhang candles na rin ang gift namin sa mga ninongs. Magaganda yung mga candles sa Doc's Candles. Pero saka na muna yun...

Wednesday, September 14, 2005

Hotel Hunting

09.11.05

Malapit na kasi ang aming trip down the aisle kaya lagare na sa mga wedding preps. After the strings, hotel hunting na kasi, baka fully booked na ang mga hotels pag patumpik tumpik pa. First time kong di kasama si bibi sa mga lakad related sa wedding (kung bakit, sa amin na lang yun, baka maiyak kayo, he he he). Pero kasama ko naman si Coni, my abay and favorite hawsmate (siya lang kasi kasama ko sa haws, he he he). Andun din ang sub ni OTD Marj, si Me-ann.

Hotel #1: Discovery Suite

Ok ang lobby. Pero nasisikipan ako sa mga rooms. Bulky ang mga furnitures. Tsaka madilim.

Hotel #2: Astoria

Maliit ang lobby (kita agad namin si Eyewitness Howie Severino e!) Pero maluwag ang mga rooms! Na-sad ako agad kasi fully booked na sila. Nasa waiting list na lang ako in case may mag-back out.

Hotel #3: Crowne Plaza

After Astoria, parang nawalan na ako ng pag-asa, "Sige, try natin sa Makati.". Buti na lang at binanggit ni Coni na, "Yung Hyatt at Galleria Suites, try din natin." Punta kami agad sa Robinson’s Galleria (sumakay kami ng FX). Medyo naligaw kami kaya napadpad kami sa Crowne Plaza.

Grabe!!Panalo!! Lobby pa lang, ang danda danda na! Bagong-bago pa yung hotel. Kabubukas lang nung July.

Rooms naman – panalo!!! Maaaaluuuwaaag talaga! Maganda rin yung colors ng walls at maliwanag. First room pa lang (deluxe king) ok na. Pero nung nakita naming yung Executive Room, yun na ang kinuha namin!

Price – um, medyo mahal siya pero considering the size, pwede na. =)

Siyempre, pa-reserve agad. Credit card number lang, ok na. La pang charge yung reservation. Yipeee!!!

Hotel #5 : Hyatt (dating Galleria Suite)

Tinignan naming ito just in case gusto ng families namin na mag-check in. P1,000 din ang difference sa price ng deluxe. Pero sobrang lapit nito sa Crowne Plaza kaya ok na rin.

Hay salamat! May hotel na!! HMU artist na lang!!! =)

With Strings Attached

9.10.05


Sabado ng 530 PM ang appointment namin with STRADAVARIUS. Maulan-ulan sa Matahimik Street ng Teacher's Village nung dumating kami.

Ang bait ni Malou. Nakakatuwa siyang kausap. Pinapanuod niya kami ng isang video kung saan may quartet na tumutugtog (si Malou sa violin). Mukhang magaling sila (miyembro sila ng Philharmonic Orchestra e). Marami rin siyang mga tips na binigay sa amin ni bibi. Magkakilala na rin sila ng OTD ko. Sanay na rin silang tumugtog sa Gazebo. Tsaka ang pinakaimportante, pasok sa budget!!! So, our conclusion? Down na agad!! Hindi rin mabigat yung downpayment (usually 50% agad e). Ang bait talaga no? Ang saya-saya no? =)

Tuesday, September 06, 2005

OTD to the Rescue

9.5.05

6:30 pm ang usapan namin ng aming OTD (on-the-day) coordinator na magkikita. Nag-text siya na male-late daw siya. Hmm...sige na nga at pagbigyan dahil medyo matrapik tsaka maulan pa kaya dagdag trapik. Tutal, OTD nga lang ang services na kinuha namin pero ngayon pa lang, nagmi-meeting na.

Nakakaaliw pala na may mag-iisip, magpla-plano at magwo-worry para sa iyo. =) Basta, gagawin na lang namin lahat ng assignments namin (things na hindi pwedeng i-delegate like attending required seminars =). Aliw pa kasi sasamahan niya kami na mag-scout ng hotel this Sunday! Hay, buti na lang kasi mahiyain kami ni bibi pagdating sa mga hotel-hotel ek ek na yan.

Ang dami niya ring ideas na pang-spice ng reception (sana nga mag-enjoy ang mga bisita!!) tsaka mga tips na only a veteran coordinator knows.

Hay, grabe..lapit na nga..